Tuesday, April 29, 2014

Reyna Acion (storya ng syetness) - Chapter 5

Chapter 5 - Pag asa

Sa isang malayong kagubatan, kung saan ang kadiliman ay namamayani. Ibang iba sa itsura ng kaharian. Ibang iba sa itsura ng normal na tao. Ito ang lugar na tinatawag na "SYEMAYLAND".

Ang Syemayland ay isang lugar kung saan tinatapon ang mga taong nagkasala sa panahon nila Haring Atna at Reyna Asuncion. At gayun din ang mga tinapon nila Haring Horns at Reyna Grims, na kahit walang kasalanan.

Andito na ang lahat ng kriminal, magnanakaw ng kwintas sa Kyapo, isnatcher ng baconed brief, at kung ano ano pang pwedeng nakawin ng mga walangya.

Ang tanging paraan lamang na makalabas ka sa lugar na ito ay ang kapatawaran ng Kaharian.

Sa isang bahay, kung saan andito nakahiga ang nagpapagaling na si....

Reyna Acion.

Yes folks, buhay si Reyna Acion, bakit? e gusto ko siyang mabuhay, sumulat ka rin ng Reyna Acion kung gusto mo.

Pero eto talaga ang storya, ang inutusan ni Reyna Grims na magpapapatay kay Reyna Acion na si Karding, ay nakunsensya na sa halip na siya ay patayin, nilayo na lang sa kaharian. Syempre para kunwari convincing na napatay niya si Reyna Acion, sinugatan nya ang Reyna at ang dugo nito ang magpapatunay na nagawa nga ng maayos ang trabaho.

Lumipas ang ilang buwan, mga 5 months (OA magpagaling), tinipon ni Reyna Acion ang mga nakatira sa Syemayland, lahat sila handang umalis sa lugar na yon, lahat sila gigil sa Ministro at ang bagong naghahari. Lahat sila willing magbigay ng dugo alang alang sa ikagaganda ng kaharian.

Pinlano ang dapat planuhin.

Kinabukasan lahat handa na sa pagsugod.

(itutuloy)

No comments:

Post a Comment