Chapter 5 - Pag asa
Sa isang malayong kagubatan, kung saan ang kadiliman ay namamayani. Ibang iba sa itsura ng kaharian. Ibang iba sa itsura ng normal na tao. Ito ang lugar na tinatawag na "SYEMAYLAND".
Ang Syemayland ay isang lugar kung saan tinatapon ang mga taong nagkasala sa panahon nila Haring Atna at Reyna Asuncion. At gayun din ang mga tinapon nila Haring Horns at Reyna Grims, na kahit walang kasalanan.
Andito na ang lahat ng kriminal, magnanakaw ng kwintas sa Kyapo, isnatcher ng baconed brief, at kung ano ano pang pwedeng nakawin ng mga walangya.
Ang tanging paraan lamang na makalabas ka sa lugar na ito ay ang kapatawaran ng Kaharian.
Sa isang bahay, kung saan andito nakahiga ang nagpapagaling na si....
Reyna Acion.
Yes folks, buhay si Reyna Acion, bakit? e gusto ko siyang mabuhay, sumulat ka rin ng Reyna Acion kung gusto mo.
Pero eto talaga ang storya, ang inutusan ni Reyna Grims na magpapapatay kay Reyna Acion na si Karding, ay nakunsensya na sa halip na siya ay patayin, nilayo na lang sa kaharian. Syempre para kunwari convincing na napatay niya si Reyna Acion, sinugatan nya ang Reyna at ang dugo nito ang magpapatunay na nagawa nga ng maayos ang trabaho.
Lumipas ang ilang buwan, mga 5 months (OA magpagaling), tinipon ni Reyna Acion ang mga nakatira sa Syemayland, lahat sila handang umalis sa lugar na yon, lahat sila gigil sa Ministro at ang bagong naghahari. Lahat sila willing magbigay ng dugo alang alang sa ikagaganda ng kaharian.
Pinlano ang dapat planuhin.
Kinabukasan lahat handa na sa pagsugod.
(itutuloy)
Mahiwagang Quamote
(Ang kamoteng tumubo sa tadyang)
Tuesday, April 29, 2014
Saturday, March 17, 2012
Reyna Acion (storya ng syetness) - Chapter 4
Chapter 4 - Mas Masamang Syetness
Dahil sa kagustuhan ni Grimhilde na maging reyna ng Kabuki, agad nyang inakit si Haring Horns (Hornswoggle) sa pamamagitan ng pagbuka.... ng kanyang.... anyways... Agad naman naakit si Haring Horns at agad nya itong binigyan ng mas magandang posisyon... bilang Reyna Grimhilde. Naghasik na ng kasamaan sila Haring Horns at Reyna Grims sa pamamagitan ng hindi pagbigay ng mga benepisyo sa mangagagawa bagkus ay binabawasan sila ng malaki. Ang iba delayed na sa sahod at di pagbibigay ng backpay sa mga umalis. Maraming nag si alisan at lumipat ng ibang mapapasukan. Sa inis ng hari at reyna agad nila itong siniraan at kung ano anong tsismis. Marami ang nagugutom dahil sa hindi pagbibigay ng sweldo.
Sa palasyo, humingi si Reyna Grims ng Honeymoon tour at habang wala sila nagtalaga ng bagong ministro ang hari at reyna, dahil umalis na rin sa poder nila ang ibang ministro sa kadahilanang di na rin masikmura ang mga pangyayari sa kaharian. Agad nagpatawag ng Press si Reyna Grims upang ipakilala ang bagong ministro.
Yaya Gorilya - Isang babaeng diwatang galing sa ilalim ng lupa. Siya ang mamamahala sa buong Administrasyon. Taglay nya ang mala gorilyang katawan na siyang kakatakutan bata man o matanda.
Pendong Baklarius - Siya ang bahala sa lahat ng business ng hari at reyna. Taglay nya ang kabaklaang di mo aakalain.
Hip On - Isang nilalang na may taglay na sexy body pero taglay din nya ang kapangitang di maikakaila. Taglay nya ang Ika walong lebel ng kapangitan.
Kuya Bodsi - ang Engineer na parang Construction worker lang.
itutuloy....
Dahil sa kagustuhan ni Grimhilde na maging reyna ng Kabuki, agad nyang inakit si Haring Horns (Hornswoggle) sa pamamagitan ng pagbuka.... ng kanyang.... anyways... Agad naman naakit si Haring Horns at agad nya itong binigyan ng mas magandang posisyon... bilang Reyna Grimhilde. Naghasik na ng kasamaan sila Haring Horns at Reyna Grims sa pamamagitan ng hindi pagbigay ng mga benepisyo sa mangagagawa bagkus ay binabawasan sila ng malaki. Ang iba delayed na sa sahod at di pagbibigay ng backpay sa mga umalis. Maraming nag si alisan at lumipat ng ibang mapapasukan. Sa inis ng hari at reyna agad nila itong siniraan at kung ano anong tsismis. Marami ang nagugutom dahil sa hindi pagbibigay ng sweldo.
Sa palasyo, humingi si Reyna Grims ng Honeymoon tour at habang wala sila nagtalaga ng bagong ministro ang hari at reyna, dahil umalis na rin sa poder nila ang ibang ministro sa kadahilanang di na rin masikmura ang mga pangyayari sa kaharian. Agad nagpatawag ng Press si Reyna Grims upang ipakilala ang bagong ministro.
Yaya Gorilya - Isang babaeng diwatang galing sa ilalim ng lupa. Siya ang mamamahala sa buong Administrasyon. Taglay nya ang mala gorilyang katawan na siyang kakatakutan bata man o matanda.
Pendong Baklarius - Siya ang bahala sa lahat ng business ng hari at reyna. Taglay nya ang kabaklaang di mo aakalain.
Hip On - Isang nilalang na may taglay na sexy body pero taglay din nya ang kapangitang di maikakaila. Taglay nya ang Ika walong lebel ng kapangitan.
Kuya Bodsi - ang Engineer na parang Construction worker lang.
itutuloy....
Friday, September 17, 2010
Reyna Acion (storya ng syetness) - Chapter 3
Chapter 3: Masamang Syetness
Lumipas ang mga araw, mabilis ang mga pangyayari. Naubos ang kawal ng Kabuki dahilan sa hindi magandang pamamalakad ng Ministro. Maraming mga hindi kapani paniwalang pangyayari ang naganap. Ang kaharian ay nagmistulang parang impyerno sa sobrang dami ng demonyong naglipana. Ika nga, where’s the party?
Biglang napansin ni Reyna Acion ang mga pangyayari. Pinatawag nya ang mga opisyales ng kanyang kaharian at tinanong kung ano ang nangyayari sa kaharian. Sumagot si Hornswoggle… “Maganda naman ang pagpapalakad naming sa kaharian na ito, mahal na reyna“ Sa isang idlap napansin na lamang ni Reyna Acion na tila puro bago ang mga suot ng Ministro. Pati ang magic wand na ginagamit ay mukhang mamahalin Branded ang Magic Wand Tatak Wokia with Wifi ready/ Facebook compatible with PS3 Console. Kaya agad syang nagpatawag ng taong pwedeng magimbestiga sa mga Ministro. Too bad, ang na hire nya ay kakilala rin ng mga Ministro. Binigyan sya ng mga reports na tila tumataas ang kalakal ng kanyang kaharian. Pero sa kabila ng lahat, e parang unti unti na nauubos ang pera ng Kaharian ng Kabuki. Agad na itong ginawan ng paraan ng Ministro para hindi mahalata ang kanilang mga masasamang gawain.
Makalipas ang ilang araw, tumaas ang kita ang kaharian ng Kabuki, dahil na rin ito sa Panay ang pagpapataw ng malalaking buwis sa mga maliliit na tindahan sa Kabuki. Paghuli ng mga kaawa awing driver na wala naman violation. Pagsingil ng mahal sa mga pasyente sa Prinnies General Hospital (PriGenHosp). Pagpapa bukas ng mga sugalan sa Kabuki. Pagtaas ng presyo ng fairy dust na ginagamit sa sasakyan ng mga diwata.
Hindi ito nagustuhan ng Reyna Acion, dahil hindi ito ang pinangarap na kaharian ng kanyang mga magulang. Pinasara nya itong lahat at binalik sa dati ang lahat.
Isang gabi, umingay ang kaharian ng Kabuki… May masamang balita… Patay na si Reyna Acion. Marami ang nagtatanong ng kanyang pagpanaw, pero walang matinong sagot sa Ministro. Hindi na sila naglabas ng official statement. Sa halip na sila ay magluksa, tila parang mas masaya pa sila sa nangyari. Agad na nagpatawag ng meeting si Hornswoggle. Itinalaga nya ang kanyang sarili bilang “HARING HORNSWOGGLE” ang tumutol ay may parusang nakahanda. Batid ni Haring Hornswoggle… “AKO NA ANG HARI NG KAHARIAN NG KABUKI.. ANG SINO MANG TUMUTOL AY MAY PARUSANG NAKATALAGA.. PUPUGUTAN NG ULO ANG SINO MANG MAGISIP NG MASAMA SA BAGONG KAHARIAN NG KABUKI”. Umepal si Grimhilde… “AT AKO NAMAN AY SI GRIMHILDE ISA AKONG… AHHM AHH EHHH … PICTURE PLEASE” habang ang mga ganid na media ay kanya kanyang picture.
Habang pinipiktyuran si Grimhilde may maitim pala itong balakin… yun ay walang iba kundi paibigin ang Haring Hornswoggle. Para makamit nya ang titulong “REYNA NG KABUKI”
(itutuloy)
Monday, September 13, 2010
Reyna Acion (storya ng syetness) - Chapter 2
Chapter 2: Syetness
Unang araw ng pagsabak sa pwesto ng mga Ministro, agad na silang nanibak ng mga taong mas karapatdapat sa pwesto, may ilang nanatili pero nag resign na rin dahil di nila masikmura ang pang wawalangya ng mga bagong ministro. May mga nilagay sa position na parang di mo alam kung saang lupalop ng kamote nanggaling at naging bigla na lang silang nagkaroon ng posisyon gayong mas maraming mas karapatdapat. Hanggang sa narealize na lang ng karamihan na ang mga binigyan ng posisyon ay Kamag anak, kapitbahay, kaklase, kainuman, kakilala sa beerhouse ng Etheria at kung ano ano pang mga syet na kakilala. Ika nga, lets get this party started.
Naging marahas sa mga diwata ang mga ministro, lagi silang nagpapagawa ng hindi na kasama sa Job description. At iba nagkakanda pawis na sa kakatrabaho at pag iisip sa bandang huli napupunta lahat ng credits sa Ministro. Bravoness sabi ng isang residente ng Kabuki.
Dahil sa mga katarantaduhan ng mga ministro, may isang kawal ang nagwala… umisip mang hostage ng mga dayuhang fairies mula pa sa Levita. Ang kaharian ng Levita ay isa sa pinaka maunlad na kaharian ngunit sa kabila ng kaunlaran may mga residente rito na walang alam gawin kundi ang manisi ng ibang diwata at tingin sa mga residente ng Kabuki ay mga pang Domestic Helper lang. So balik na tayo sa kwento ng nagwalang kawal. Si Memerto Endoza, ang kawal ng Kabuki na may maraming parangal na nasibak sa pwesto dahil hindi sya feel ng mga Ministro at pinaratangang kasabwat sa katiwalian ng mga tauhan nya sa West Wing Division. Nag demand sya ng mga manunulat sa Kabuki na walang ibang goal kundi ang magka ratings sa Kabuki Network. Habang si Memerto ay nanghohostage ng mga fairies mula pa sa Levita ay siya namang kinokober ng mga media ng Kabuki Network para sa larangan ng TV Ratings. “Papatayin ko ang mga fairies pag di nyo ako binalik sa pwesto, at ibasura lahat ng pambibintang sa akin”.
At dahil sa likas na pagiging ma epal ni Grimhilde, pina aresto ang kapatid ni Memerto na si Emerto. “HOY! DAKPIN NYO NGA YANG KAPATID NI MEMERTO NA YAN!, DAPAT HABANG SINASABI KO ITO NAKA VIDEO ITO NG MGA MEDIA HA???! PARA SIKAT SYEMPRE!” at ang mga media naman dahil sa kaswapangan sa larangan ng Ratings, e kanya kanya na silang cover ng stories at ang pinaka masaklap nanonood pala sa TV si Memerto. Nagwala ito ng makita nyang inaaresto na si Emerto. Nakita nya rin ang bawat kilos ng mga SMAT – (Speycial Mahiwagang Action Team). Kaya sa bandang huli napatay halos lahat ng bihag ni Memerto.
Nagpatawag ng imbestigasyon si Reyna Acion. Lahat HUGAS KAMAY. At ang tinuturo nilang may kasalanan ng lahat ay walang iba kundi ang mga tsismoso at tsimosa sa Kabuki. Epal ni Grimhilde… “DI AKO ANG MAY KASALANAN SYET NAMAN O! KASALANAN YAN NG DRIVER NG LEVITA, kung sinagasaan na lang niya si Memerto e di hindi na naging madugo ang mga tagpo… da ef!”
(itutuloy)
Reyna Acion (storya ng syetness)
Chapter 1: ANG SIMULA
Isang araw sa kaharian ng Kabuki, nakatira ang mga engkantong masayang naglalaro sa masayang tanawin. Walang pagsisidlan ang kasiyahang dulot ng mga diwata sa Kabuki. Narito nakatira ang diwatang si Acion, ang diwatang anak ni Haring Atna at Reyna Asuncion. May malubhang karamadaman ang hari at reyna kaya agad pinatawag ang pinakamalulupet na doctor na nagmula pa sa Prinnies General Hospital (PGH). At gaya sa halos lahat ng istorya pantaserye ang hari at reyna ang syang may pinaka walang silbi sa storya dahil ang alam lang nila ay magkasakit at mamatay.
Masayang nakikipaglaro sa batis si Acion nang may isang kawal na lumapit upang ihatid ang masamang balita. Balitang papanaw na ang Haring Atna at Reyna Asuncion dahil sa kumakalat na epidemia sa kaharian ng Kabuki. “Princesa Acion, pinatatawag po kayo ng mahal na reyna” batid ng isang kawal. “Syemay naman don’t you see im playing duh?” salita ni Prinsesa Acion na may halong pagka konyo.
Huli na ang lahat ng matanaw ni Prinsesa Acion ang mga magulang, pumanaw na ang hari at reyna. At dahil sya ang tigapagmana ng kaharian, agad syang kinoronahan bilang Reyna Acion. Dahil sa bata pa at wala pang alam sa pamamalakad ng kaharian agad na nagpatawag ng mga taong tatayong mga Opisyal ng Kaharian ng Kabuki. At mayrong apat na opisyal na agad na nahalal. Ito ay sina, Hornswoggle, Presidente ng Kabuki Kingdom. Jabba da Hot, ang hot na hot na Defense Secretary ng Kabuki. Nahalal din si Smeagoled, bilang ingat yaman or Finance Secretary sa kaharian ng Kabuki. At si Grimhilde, bilang well, ano nga ba ang papel nya kundi isang epal na palaging naguutos ng kung ano anong syet at madalas nagmamarunong sa pulitika.
At dahil sa nabuo na ang ministro, muling nabuhay ang kaharian ng Kabuki…sa kawalan.
(itutuloy)
Subscribe to:
Posts (Atom)