Chapter 3: Masamang Syetness
Lumipas ang mga araw, mabilis ang mga pangyayari. Naubos ang kawal ng Kabuki dahilan sa hindi magandang pamamalakad ng Ministro. Maraming mga hindi kapani paniwalang pangyayari ang naganap. Ang kaharian ay nagmistulang parang impyerno sa sobrang dami ng demonyong naglipana. Ika nga, where’s the party?
Biglang napansin ni Reyna Acion ang mga pangyayari. Pinatawag nya ang mga opisyales ng kanyang kaharian at tinanong kung ano ang nangyayari sa kaharian. Sumagot si Hornswoggle… “Maganda naman ang pagpapalakad naming sa kaharian na ito, mahal na reyna“ Sa isang idlap napansin na lamang ni Reyna Acion na tila puro bago ang mga suot ng Ministro. Pati ang magic wand na ginagamit ay mukhang mamahalin Branded ang Magic Wand Tatak Wokia with Wifi ready/ Facebook compatible with PS3 Console. Kaya agad syang nagpatawag ng taong pwedeng magimbestiga sa mga Ministro. Too bad, ang na hire nya ay kakilala rin ng mga Ministro. Binigyan sya ng mga reports na tila tumataas ang kalakal ng kanyang kaharian. Pero sa kabila ng lahat, e parang unti unti na nauubos ang pera ng Kaharian ng Kabuki. Agad na itong ginawan ng paraan ng Ministro para hindi mahalata ang kanilang mga masasamang gawain.
Makalipas ang ilang araw, tumaas ang kita ang kaharian ng Kabuki, dahil na rin ito sa Panay ang pagpapataw ng malalaking buwis sa mga maliliit na tindahan sa Kabuki. Paghuli ng mga kaawa awing driver na wala naman violation. Pagsingil ng mahal sa mga pasyente sa Prinnies General Hospital (PriGenHosp). Pagpapa bukas ng mga sugalan sa Kabuki. Pagtaas ng presyo ng fairy dust na ginagamit sa sasakyan ng mga diwata.
Hindi ito nagustuhan ng Reyna Acion, dahil hindi ito ang pinangarap na kaharian ng kanyang mga magulang. Pinasara nya itong lahat at binalik sa dati ang lahat.
Isang gabi, umingay ang kaharian ng Kabuki… May masamang balita… Patay na si Reyna Acion. Marami ang nagtatanong ng kanyang pagpanaw, pero walang matinong sagot sa Ministro. Hindi na sila naglabas ng official statement. Sa halip na sila ay magluksa, tila parang mas masaya pa sila sa nangyari. Agad na nagpatawag ng meeting si Hornswoggle. Itinalaga nya ang kanyang sarili bilang “HARING HORNSWOGGLE” ang tumutol ay may parusang nakahanda. Batid ni Haring Hornswoggle… “AKO NA ANG HARI NG KAHARIAN NG KABUKI.. ANG SINO MANG TUMUTOL AY MAY PARUSANG NAKATALAGA.. PUPUGUTAN NG ULO ANG SINO MANG MAGISIP NG MASAMA SA BAGONG KAHARIAN NG KABUKI”. Umepal si Grimhilde… “AT AKO NAMAN AY SI GRIMHILDE ISA AKONG… AHHM AHH EHHH … PICTURE PLEASE” habang ang mga ganid na media ay kanya kanyang picture.
Habang pinipiktyuran si Grimhilde may maitim pala itong balakin… yun ay walang iba kundi paibigin ang Haring Hornswoggle. Para makamit nya ang titulong “REYNA NG KABUKI”
(itutuloy)