Chapter 2: Syetness
Unang araw ng pagsabak sa pwesto ng mga Ministro, agad na silang nanibak ng mga taong mas karapatdapat sa pwesto, may ilang nanatili pero nag resign na rin dahil di nila masikmura ang pang wawalangya ng mga bagong ministro. May mga nilagay sa position na parang di mo alam kung saang lupalop ng kamote nanggaling at naging bigla na lang silang nagkaroon ng posisyon gayong mas maraming mas karapatdapat. Hanggang sa narealize na lang ng karamihan na ang mga binigyan ng posisyon ay Kamag anak, kapitbahay, kaklase, kainuman, kakilala sa beerhouse ng Etheria at kung ano ano pang mga syet na kakilala. Ika nga, lets get this party started.
Naging marahas sa mga diwata ang mga ministro, lagi silang nagpapagawa ng hindi na kasama sa Job description. At iba nagkakanda pawis na sa kakatrabaho at pag iisip sa bandang huli napupunta lahat ng credits sa Ministro. Bravoness sabi ng isang residente ng Kabuki.
Dahil sa mga katarantaduhan ng mga ministro, may isang kawal ang nagwala… umisip mang hostage ng mga dayuhang fairies mula pa sa Levita. Ang kaharian ng Levita ay isa sa pinaka maunlad na kaharian ngunit sa kabila ng kaunlaran may mga residente rito na walang alam gawin kundi ang manisi ng ibang diwata at tingin sa mga residente ng Kabuki ay mga pang Domestic Helper lang. So balik na tayo sa kwento ng nagwalang kawal. Si Memerto Endoza, ang kawal ng Kabuki na may maraming parangal na nasibak sa pwesto dahil hindi sya feel ng mga Ministro at pinaratangang kasabwat sa katiwalian ng mga tauhan nya sa West Wing Division. Nag demand sya ng mga manunulat sa Kabuki na walang ibang goal kundi ang magka ratings sa Kabuki Network. Habang si Memerto ay nanghohostage ng mga fairies mula pa sa Levita ay siya namang kinokober ng mga media ng Kabuki Network para sa larangan ng TV Ratings. “Papatayin ko ang mga fairies pag di nyo ako binalik sa pwesto, at ibasura lahat ng pambibintang sa akin”.
At dahil sa likas na pagiging ma epal ni Grimhilde, pina aresto ang kapatid ni Memerto na si Emerto. “HOY! DAKPIN NYO NGA YANG KAPATID NI MEMERTO NA YAN!, DAPAT HABANG SINASABI KO ITO NAKA VIDEO ITO NG MGA MEDIA HA???! PARA SIKAT SYEMPRE!” at ang mga media naman dahil sa kaswapangan sa larangan ng Ratings, e kanya kanya na silang cover ng stories at ang pinaka masaklap nanonood pala sa TV si Memerto. Nagwala ito ng makita nyang inaaresto na si Emerto. Nakita nya rin ang bawat kilos ng mga SMAT – (Speycial Mahiwagang Action Team). Kaya sa bandang huli napatay halos lahat ng bihag ni Memerto.
Nagpatawag ng imbestigasyon si Reyna Acion. Lahat HUGAS KAMAY. At ang tinuturo nilang may kasalanan ng lahat ay walang iba kundi ang mga tsismoso at tsimosa sa Kabuki. Epal ni Grimhilde… “DI AKO ANG MAY KASALANAN SYET NAMAN O! KASALANAN YAN NG DRIVER NG LEVITA, kung sinagasaan na lang niya si Memerto e di hindi na naging madugo ang mga tagpo… da ef!”
(itutuloy)
No comments:
Post a Comment