Monday, September 13, 2010

Reyna Acion (storya ng syetness)


Chapter 1: ANG SIMULA

Isang araw sa kaharian ng Kabuki, nakatira ang mga engkantong masayang naglalaro sa masayang tanawin. Walang pagsisidlan ang kasiyahang dulot ng mga diwata sa Kabuki. Narito nakatira ang diwatang si Acion, ang diwatang  anak ni Haring Atna at Reyna Asuncion. May malubhang karamadaman ang hari at reyna kaya agad pinatawag ang pinakamalulupet na doctor na nagmula pa sa Prinnies General Hospital (PGH). At gaya sa halos lahat ng istorya pantaserye ang hari at reyna ang syang may pinaka walang silbi sa storya dahil ang alam lang nila ay magkasakit at mamatay.

Masayang nakikipaglaro sa batis si Acion nang may isang kawal na lumapit upang ihatid ang masamang balita. Balitang papanaw na ang Haring Atna at Reyna Asuncion dahil sa kumakalat na epidemia sa kaharian ng Kabuki. “Princesa Acion, pinatatawag po kayo ng mahal na reyna” batid ng isang kawal. “Syemay naman don’t you see im playing duh?” salita ni Prinsesa Acion na may halong pagka konyo.

Huli na ang lahat ng matanaw ni Prinsesa Acion ang mga magulang, pumanaw na ang hari at reyna. At dahil sya ang tigapagmana ng kaharian, agad syang kinoronahan bilang Reyna Acion. Dahil sa bata pa at wala pang alam sa pamamalakad ng kaharian agad na nagpatawag ng mga taong tatayong mga Opisyal ng Kaharian ng Kabuki. At mayrong apat na opisyal na agad na nahalal. Ito ay sina, Hornswoggle, Presidente ng  Kabuki Kingdom.  Jabba da Hot,  ang hot na hot na Defense Secretary ng Kabuki. Nahalal din si Smeagoled, bilang ingat yaman or Finance Secretary sa kaharian ng Kabuki. At si Grimhilde, bilang well, ano nga ba ang papel nya kundi isang epal na palaging naguutos ng kung ano anong syet at madalas nagmamarunong sa pulitika.

At dahil sa nabuo na ang ministro, muling nabuhay ang kaharian ng Kabuki…sa kawalan.

(itutuloy)

No comments:

Post a Comment